"PROOTCH"
Bakit kamo?
Ganito ang storya. Birthday ni Kuya Andoy, A.k.a Drew at syempre, in true Pinoy TV style, gagawan namin sya ng TV special sa Unang Hirit. Kinailangan naming nag-isip ng related sa berday cum wheather boy.
Fitness freak kasi si manong drew, kaya we thought wat the hey bakit hindi natin sya paglutuin ng high protein food with a hot chef and a sexy actress. Gabi na ng mag-confirm si Angelic@ J0nes, isang local starlet. (read: bimbo-bimbo-han, tanga-tangahang girlah)
So matapos ma-late ng loka-loka, nakipagchikahan ako sa nanay niya. conversation below
ako: Tita, naghahanap kasi ako ng pedeng i-relate ni @ngelica kay drew, mahilig ba sya sa sports:
nanay: ay, oo naman mahilig yan sa sports! saka sa prootch
ako: huh? ano pong prootch?
nanay: prootch! edi yung prootch! orange prootch, grape prootch, prootch juice.
ako. ahhh. oo nga. si drew din mahilig sa prootch
prootch= "fruits"