Tuesday, October 04, 2005

Boksingero na naman?!
Image hosted by Photobucket.com
Tatlong Dalawang, boksingero, isang segment, sampung oras-Manila City Hall, Manila, Bansang Pilipinas-October 3, 2005
Sa ikatlong pagkakataon, ang mga dakilang kampeon na nagpakilala sa isla ng Pilipinas ang aming tampok sa aming live remote segment sa Unang Hirit. Sa aking pagkakatanda, eksaktong isang linggo na ang nakakaraan, (mag-iskroll down sa baba) amin nang ipinakilala si Hawaiian Punch, ngunit sa pagkakataong ito ay kasama si Boom-Boom (ipagpatawad aking nakalimutan na ang kumpletong pangalan), at si Manny "Pacman" Pacquiao. Sa kasamaang palad at sa sama ng trapik ng lungsod ng Maynila, at sa sama ng pakiramdam ni Pacman, dalawang boksingero lamang ang nakarating--dumating sila kung kelan mga alas-otso-kinse na, quinse minutos bago matapos ang aming programa.
Pero hindi naman namin sila masisisi. Sino ba naman kami para magreklamo? Sarap kaya ng nakatambay lang sa VIP room ng Mayor's office na puro lokohan at kwenthuhan lang ang aming ginagawa at pakainin ng libreng burger at bottled water ni Mayor.
Si Mader Eagle walang ginawa kundi mag-text habang nakatambay, si ate Regine naman ay nagaayos ng kanyang mga ka-chuva han sa isang tabi habang nagchichikahan kami. (O diba, we get paid to do this?! Nyahaha)Image hosted by Photobucket.com

Nang dumating ang aming feature sobrang dami ng groupie entourage ng Manila Mayor na si Mayor Lim (naku sorry hindi kasi ako taga Maynila at hindi kami close ni Atienza, haha as if naman si Lim at ako at close) Hindi ko manlang sila na-picturan dahil parehong puno ang aking mga kamay sa pag-eexecute ng order. Wala pa silang limang minuto sa loob ng VIP room at lumayas na sila, matapos ang halos sampung oras na aming pagtambay sa VIP room na Maynila, limang minuto silang umere. Wow.
Yes, we do this for a living and damn hell am proud of it!